Nakatanggap ako ng Facebook email kanina at iniimbita akong sumali sa “Apple for Bryan” event. Hindi ko alam kung saan ba talaga tungkol iyon. Sabi sa info, inimbita daw ang lahat ng mga Bryan para maging official Apple product testers. Sinubukan kong pindutin iyong link pero not available naman daw sa country ko.
Hindi ko alam kung totoo ito pero sa tingin ko wala lang magawa iyong nag-umpisa ng mga event na iyan. Oh well. At least kahit sa panandaliang oras, naramdaman ko na ako’y espesyal. At saka dahil sa event, nakakita ako ng grupo kung saan ako pwede maging belong.

