Mas Masaya Ang Mga Lalake!

Nabasa ko ito galing sa isang blog na kinaaaliwan ko. Ishare ko na din dito, tutal ang mga iba diyan ay mga dahilan ko na din kung bakit masaya ako napanganak bilang lalake.

(Ang mga iba din diya’y nakakatuwa katulad ng “People never stare at your chest when you’re talking to them.” Hahaha!)

I-click ito para ipagpatuloy ang binabasa >>

Comments (8)

The Filipino Soap

Matagal ko na itong alam pero hindi pa siguro huli para ishare ito. Tinutukso ng The Filipino Soap ang mga kadalasang tema at elemento ng mga pinoy dramas: mga sampalan, love triangles, paggaganti, twists, Taglish, atbp. Bilang Pilipino, ako’y natatawa.

I-click ito para ipagpatuloy ang binabasa >>

Comments (2)

Accountancy Hymn

Asar, na-LSS na ako sa political kanta ni Villar. Buti na lang merong Accountancy Hymn na kaparehas din sa tune ng nasabing kanta. Nakuha ko ito galing dito at inedit ko lang nang konti. Meron ding nagsend sa akin nito via text kaya nga lang Engineering hymn naman iyon.

(UPDATED 2010/01/29 Pinalitan ko lang iyong grade na 75)

ACCOUNTANCY HYMN

(to the tune of Manny Villar, latest political ad jingle)

Nakakuha ka na ba ng grado na basura?

Nagsunog ka na ba ng kilay hanggang umaga?

Iyan ang tanong namin. 65 nga ba ang passing?

Naisip mo na ba, bakit nag-aaral ka pa?

Todo effort tayo, ‘bat walang nag-babago?

At mas mabuti pa kung natutulog tayo!

Accounting ang tunay na mahirap.

Accounting ang tunay na puro pasakit.

Accounting ang may kakayahan na malimutan ang sariling pangalan.

Accounting lamang ang magtatapos ng ating kasiyahan.

Napakanta ka ba? ^^

Pic: Deuts.net

Comments (7)

Tulong! Paano palitan iyong banner image?

Kung sino man may alam kung paano palitan iyang banner na may mga puno, patulong naman oh. Magcomment kayo dito, please. -_-

Comments (6)

“You’re Beautiful” ipapalabas na sa Pinas

Jung Yong-hwa, Park Shin-hye, Jang Geun-seok, Lee Hong-ki

Kahit na alam kong hindi magiging maganda para sa lahat ang Tagalog dub, sabik pa rin ako sa pagdating ng 미남이시네요 (Minamishineyo o mas kilala ng international fans bilang “You’re Beautiful”) sa Pinas. Ito ay ipapalabas ng ABS-CBN bilang “He’s Beautiful.” Wala pang sinabi na date kung kailan ito eksaktong ipapalabas.

Nasabi ko na ito pero sasabihin ko ulit. Ang title na “He’s Beautiful” sa tingin ko ay bagay na bagay kung titingnan natin ang original Korean title. Ang Minam sa 미남이시네요 ay panglalake at naniniwala ako na kahit na hindi eksaktong “He’s Beautiful” ang ibig sabihin, mas na-eemphasize ng “He’s Beautiful” ang gustong ipahiwatig ng original Korean title.

Bida sa “He’s Beautiful” si Park Shin-hye (Stairway to Heaven, Tree of Heaven) na gaganap bilang Go Mi-nam at Go Mi-nyeo. Si Go Mi-nyeo ay isang madre-in-training pero para siyang magiging isang tutubi na nahuli sa patibong ng bahay-gagamba nang napilitan siyang palitan ang kanyang lalakeng kakambal na si Mi-nam para maipagpatuloy ang pangarap at motibo nito. Napili si Mi-nam para maging pang-apat na miyembro ng A.N.Jell (isang sikat na Asia group) pero dahil may aksidenteng nangyari at hindi dapat ito malaman ng publiko, ayan si Mi-nyeo para nanganga-alinlangang magligtas!

Makikilala niya ang tatlong orihinal na miyembro ng A.N.Jell na sina Tae-kyung, Shin-woo at Jeremy na gaganapin nina Jang Geun-seok (Hwang Ji-ni, Hong Gil Dong, Lovers in Prague), Jung Yong-hwa at Lee Hong-ki, sa ganyang ayos. Sa pagsali sa grupong ito, mapapag-aralan niya kung ano ang pagmamahal.

Maitatawag ko na kakaiba ang plot ng He’s Beautiful. Na-involve dito ang mga idolo/singers, pero meron din itong tema na gustong-gusto ko: babae na nagpapanggap na lalake (katulad sa Coffee Prince, She’s the Man, Hana Kimi, Painter of the Wind, etc.) Pero ang mas napasabik sa akin para panoorin ito noong Oktubre ay dahil sinulat ito ng aking paboritong Korean screenwriters: Hong Jung-Eun at Hong Mi-ran (na nagsulat din ng Sassy Girl Chun-hyang, My Girl, Couple or Trouble at Hong Gil Dong)!

Hihingi lang ako ng dalawang requests, ABS-CBN. Sana lang 1) huwag niyo na palitan ang mga original na pangalan ng mga karakter at 2) huwag niyo na lagyan ng Tagalog/English theme song!

Sources: Han Mania, YouTube Pic: Google

Comments (6)

« Newer Posts · Older Posts »
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula