Hindi naman sa hindi ko gusto ang kanta. Sa katunayan, ito ang paborito ko galing sa pangatlong album ni Yeng Constantino. Pero hindi ko talaga nagegets kung bakit kinailangan pa ng animation (katulad ng ginawa sa Wag Kang Magtatanong). May mga animation din ba sa mga music video ng mga naunang single?
Parang ganito din iyong na-imagine kong kalalabasan pero hindi ako nakapag-imagine ng mga nakamaskarang extra, cartoons sa background at purong animated lyrics sa mga chorus. Ang pagiging flat ni Ivan Dorschner ay hindi din nakatulong.
Tingin ko dapat pinamukha na lang realistic at relatable ang music video, imbes na ipamukhang mga bata ang main intended viewers nito.

Sinagutan ko ito dahil walang magawa.
