“My Girlfriend is a Gumiho” English/Tagalog subs sa Viikii

Pwede mong panoorin ang mga episodes ng “My Girlfriend is a Gumiho” sa Viikii.net. Meron itong English subtitles at Tagalog subtitles at pwede kang manood kahit walang account.

Putol-putol ang bawat episode pero ayos na ito sa akin. Mabilis naman nila ito i-upload at i-sub. Maligayang panonood!

LINK.

Mag-iwan ng Puna

My Girlfriend is a Gumiho, mag-uumpisa ngayon

Ilang oras na lang at ipapalabas na ang unang episode ng My Girlfriend is a Gumiho sa South Korea. Sana mataas ang magiging ratings nito.

Pic: Dramabeans

Comments (2)

He’s Beautiful Teaser 4

May bagong teaser nanaman!

Inuulit ko, ipapalabas ang He’s Beautiful mula Lunes hanggang Biyernes simula Agosto 16, 5:30PM, bago Momay.

Source: He’s Beautiful Fourth Thread on PinoyExchange.com

Mag-iwan ng Puna

Confirmed: He’s Beautiful, before Momay ipapalabas + Teaser 3

Heto na ang pangatlong teaser para sa He’s Beautiful at maririnig niyo na dito ang boses ng mga ibang karakter. Gusto ko sanang itranscribe pero mahina ang volume.

At base naman sa video na ito, ipapalabas ito sa Lunes, August 16, bago Momay. Napakasamang balita para sa may mga regional network shows sa ganyang oras dahil ang bawat episode na ipapalabas sa Maynila at ibang lugar ay ipapalabas sa ibang mga probinsya sa susunod na weekday. Angsama, kasi naghintay kami ng walong buwan. Balak ko sanang panoorin ang unang episode para makita kung okay ang dubbing pero salamat na lang! Ang manood ng Korean drama na may original Korean audio at English subs ay mas 1000x na maganda.

Sa bagay, lagi namang nag-didisappoint ang mga Philippine broadcasting stations sa kanilang tv shows na hindi ganon kataas ang quality at sa paraan ng kanilang pagpapalabas.

Source: He’s Beautiful Fourth Thread on PinoyExchange.com

Mag-iwan ng Puna

“My Girlfriend is a Gumiho,” one week na lang

Eksaktong pitong araw na lang at ipapalabas na sa South Korea ang unang episode ng panibagong Korean drama na isinulat nina Hong Jung-eun at Hong Mi-ran, ang screenwriters na nagsulat din sa He’s Beautiful, My Girl at Couple or Trouble.

I-click ito para ipagpatuloy ang binabasa >>

Comments (13)

« Newer Posts · Older Posts »
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula