ANG MOTIBASYON
Peng Molano
A/N: Eto ay fiction. One-shot.

Simula noon pa, hindi ko pinaghuhusayan ang aking pag-aaral. Hindi ako maaga sa aking mga klase. Hindi ko pa pinapasukan minsan. Hindi ako gumagawa ng assignment. Hindi rin ako nagrereview masyado tuwing may quiz at exam. Sa ibang salita, wala akong pakialam kung makakuha ako ng mababang grade! Basta’t makapasa ako, okay na.
Pero kahit sa katamaran ko, hindi pa rin naalis ang dati ko pang pinapangarap na maging dean’s lister. Gusto ko din naman kasi na mas mataas ang nakukuha kong mga grado. Hindi ko kasi mapilit ang sarili ko na mag-isa. Siguro, kailangan ko lang ng motibasyon, na makapagpipilit sa akin sa oras-oras. Hinihintay ko pa rin ito hanggang ngayon. Pinagdadarasal ko pa rin hanggang ngayon. Pero ngayong nasa pangatlong taon na ako sa kolehiyo, darating pa kaya ito?
I-click ito para ipagpatuloy ang binabasa >>