How to Restore Google Chrome Cancelled Downloads

I’m writing this in English to help other Google Chrome users out there.

Earlier, my PC went off by itself and the file I’m downloading via Google Chrome was cancelled. As one of the cons of said browser, the download can’t be resumed by the browser itself. Sad. Good thing, I remembered a method I saw on a site (which I unfortunately can’t remember) and I have thought maybe I can use it to resume the cancelled download I had on Chrome.

I tried it and it worked. But take note that I only tested this once (on Windows Vista) so I really can’t say if this works for everyone else. I highly recommend this method, however.

Click here to continue reading >>

Comments (100)

Ika-Walong Libro ni Bob Ong

Pagkatapos ng Green Book (ABNKKBSNPLAko?!), Yellow Book (Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?), Black Book (Ang Paboritong Libro ni Hudas), Orange Book (Alamat ng Gubat), White Book (Stainless Longganisa), Red Book (Macarthur) at Silver Book (Kapitan Sino), darating nanaman ang panibagong libro ni Bob Ong na ilalabas ngayong 2010. (May mga nagbobotohan kung ano ang magiging kulay nito, violet ako!)

Makikita ang teaser ng panibagong libro sa kanyang Multiply account. Nakalagay sa video na iyon ang mga salitang “Os habent, et non loquentur; oculos habent, et non videbunt.  Aures habent, et non audient.” Ayon kay Anakin Skywalker, galing iyan sa Psalm 114/115 at kapag isasalin ay “They have mouths and speak not; they have eyes and see not. They have ears and hear not.” Sa bandang huli ng video, ipapakita ang mga salitang “Amici Matris Susannae” na pamagat siguro ng nasabing libro.

Malakas ang loob ko na ito ay fictional at kung tama nga ako, ito ang magiging ika-apat niyang fictional na libro.

Source: Bob Ong’s Multiply, BobOngBooks.com Forums Pic: Flickr

Comments (18)

April Fools’ Riddle

(Maraming salamat kay Kady sa pagsheshare nito.)

May tatlong klaseng tao sa mundo. Iyong isa, magaling sa math. Iyong pangalawa, hindi magaling sa math. Gets?

Comments (12)

Unang single ni Avril Lavigne sa April 2010

Hindi iyong Alice. Iba iyon.

Base sa mga nabasa kong mga impormasyon, ang unang single ni Avril Lavigne para sa kanyang ikaapat na album ay ilalabas ngayong Abril. Abril na bukas kaya mas tumitindi ang aking pananabik.

Ang kanyang album ay ilalabas daw sa Hunyo. Mga kumpirmadong title ng kanta ay Black Star, Everybody Hurts, Darlin’, at Fine. Tingin ko mapapasama din ang Alice sa listahan dahil nakasama ang isa ding pang-soundtrack na Keep Holding On sa kanyang nakaraang album, ang The Best Damn Thing.

Source: Madami akong nasearch sa Google eh. Pic: AvrilLavigne.com

Comments (4)

Personal Taste at Cinderella’s Sister, ipapalabas mamayang gabi

Ang dalawa sa mga inaabangan kong mga drama ngayong 2010 ay ipapalabas na sa Korea mamayang gabi. Ako’y sabik na kahit hindi ako nakatira doon. Alam ko kasing bukas pwede nang maidownload ang mga unang episode. Wala ngang English subs, oo, pero magiging available din iyan pagkatapos ng mga isang linggo.

I-click ito para ipagpatuloy ang binabasa >>

Comments (10)

« Newer Posts · Older Posts »
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula