Lagi talaga akong huli sa uso!
Noong isang araw lang ako (March 20) nakapag-umpisang maglaro ng Farmville. May mga naitanim ako noong araw na iyan pero pagtingin ko kahapon bulok na! Kasi naman angtagal-tagal nila tumubo kaya hindi ko na agad naalala. (Buti na lang iyong burger sa Cafe World, 5 minutes lang.) Sa totoo lang, kahit fan ako ng Harvest Moon (farming game), medyo alanganin akong laruin ito kasi para sa akin overrated ito. Pero dahil ito ang parang paborito ng karamihan ng kilala ko, sige na nga.




