Love Text Quotes Intro

Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Valentine’s Day, prinepresenta ko ang text quotes na related sa love simula ngayon hanggang sa ika-14 ng Pebrero.

Ito ay nahahati sa apat na parte. Ang apat na parteng ito’y naglalaman ng mga banatsermon, nakakalunkot at nakakainlove na text, sa ganyang ayos.

Ang mga quotes na ipapabasa ko ay pwedeng nanggaling sa mga katext, akin o galing sa net. Lahat ito’y nasa aking cellphone pero hindi ako tumatanggap ng mga request na isend sa inyo ang mga ito. Iyon ay nakakatamad.

Sana ay magustuhan niyo ang aking alay para sa buwan ng pag-ibig. Maraming salamat sa magbabasa sa mga ito at God bless.

PM

STATUS: COMPLETE

Part 1: BANAT (Side A) (Side B)

Part 2: SERMON (Side A)

Part 3: SENTI (Side A) (Side B) (Side C)

Part 4: CUTE & SWEET (Side A) (Side B)

Mag-enjoy sa pagbabasa!

Comments (9)

Mga Kaibig-ibig na Kantang Pang-jeepney

Hindi ko pa siguro nabanggit na mahilig din ako sa mga kanta at musika; ito kasi ang una kong blog post ukol sa nasabing kategorya. Mahilig ako sa senti, sa anime songs, sa Korean at para mapag-usapan na ang mapag-usapan, mahilig din ako sa OPM. (Ayaw ko ng revivals! Mas gusto ko ang originals!)

Sa pakikinig ng mga OPM songs, may napansin ako sa aking panglasa. Apat sa mga lagi kong kinakanta noon o/at ngayon ay related sa mga jeepney. Siguro may kinalaman na din ang lagi kong pagsakay sa nasabing sasakyan mula Lunes hanggang Biyernes. Nakakarelate ako sa mga kantang ito, lalo na ang pinakahuling aking pag-uusapan, ang kantang paborito ko sa ngayon at ang kantang lagi kong itinutugtog sa gitara (kung hindi lang sana ganon kahirap itugtog ang BM chord!).

Iprenepresenta ko sa inyong lahat ang apat na kaibig-ibig na Tagalog jeepney songs na talagang minahal o/at minamahal ko.

I-click ito para ipagpatuloy ang binabasa >>

Comments (13)

Symptoms of Being Certified Single

Nareceive ko ang text na ito noong minsan. Natatawa ako at nakakarelate. He, natamaan ako sa lahat pwera sa number 2.

Symtoms of being certified SINGLE

1. Mahilig kumain.

2. Sanay sa outings.

3. Tulog ng tulog.

4. TV/Computer addict.

5. Cellphone addict, group message ng group message ng quotes.

6. Daydreaming.

7. Tumataba.

8. Hilig gumala.

9. Laging mukhang blooming.

10. No worries.

11. Mukhang happy kahit minsan hindi.

Meron din iyong symptoms of certified taken pero hindi ko na ilalagay. Negative lahat eh. Para bang galit na galit iyong gumawa ng quotes na ito sa mga taken. Hehe…

Sino pang mga ibang single ang natamaan dito? Comment kayo sa baba.

Comments (1)

The Filipino Soap: Episode 5

Sumaya ako noong nakita ko sa Twitter na may bago nanamang episode (kakapublish kani-kanina lang) ang sinusandan kong internet sitcom na The Filipino Soap na ginawa ni xcreativexsoulx. Ang episode na ito ay mahusay, katulad ng mga ibang episodes. Ito naman ay pumopokus kay Jenny at sa kanyang crush na Bojoy ang pangalan. Tamang-tama para sa love month, hindi ba?

Para mapanood ang unang apat na episodes, may mga links akong pinost dito.

Ito ang link para sa Episode 5. Mag-enjoy kayo!

Comments (4)

“100 Most Handsome Pinoy Bloggers for 2010” ng Laboyboy

Kahapon ko lang nadiscover ang contest na iprinesenta ng Laboyboy. Top 100 Most Handsome Pinoy Bloggers daw. Nasubukan ko nang makasama sa ibang mga contest-contest online pero ito ang first time kong makakita ng isang contest sa isang blog na involved ang mga iba pang blogs. Pinoy pa talaga. Ongoing. Talagang nakaka-excite.

Mga boto ko >>

Comments (26)

« Newer Posts · Older Posts »
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula