Una kong reaksyon noong nabasa ko ang subject ng email ng Apple: “Ano?! Ipapakilala nanaman ang iPod?!” At maya-maya ako’y nag-ohhhh… Hindi ko napansin agad na ito ay iPad, hindi iPod. (Ang pangalan, sinasabi ko na sa iyo, ay talagang controversial sa mga araw na ito at hindi lang iyon dahil sa pinalitang patinig.)
Ang latest product ng Apple na iPad, na may tagline na most advanced technology in a magical and revolutionary device at an unbelievable price, ay parang pinalaking iPod Touch. Lahat ng applications na kabilang na sa loob ng iPod Touch ay pinalaki para sa kapakanan ng pinalaking produkto. Pampadagdag, siyempre meron itong mas malaki at mas maganda na multi-touch screen. Kaswertehan, mapapagana nito ang halos lahat ng mga apps na available sa App Store at siyempre ang mga future apps na idedesign (at ireredesign) para mag-take-advantage sa malaking screen ng nasabing produkto.
Makikita mo ang technical specifications ng nasabing gadget dito.
Itong tablet device, sa ngayon, ay available lang sa US. Asia? Abangan.
Ang aking pasiya: salamat na lang! Hindi ako ganong na-impress. Mas gusto ko ang iPod touch; at least maibubulsa ko pa. Mas mag-aalala lang ako sa iPad, sa totoo lang. (Mabuti na lang meron pala itong case!)
Source and Pics: Apple






