Ika-Walong Libro ni Bob Ong

Pagkatapos ng Green Book (ABNKKBSNPLAko?!), Yellow Book (Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?), Black Book (Ang Paboritong Libro ni Hudas), Orange Book (Alamat ng Gubat), White Book (Stainless Longganisa), Red Book (Macarthur) at Silver Book (Kapitan Sino), darating nanaman ang panibagong libro ni Bob Ong na ilalabas ngayong 2010. (May mga nagbobotohan kung ano ang magiging kulay nito, violet ako!)

Makikita ang teaser ng panibagong libro sa kanyang Multiply account. Nakalagay sa video na iyon ang mga salitang “Os habent, et non loquentur; oculos habent, et non videbunt.  Aures habent, et non audient.” Ayon kay Anakin Skywalker, galing iyan sa Psalm 114/115 at kapag isasalin ay “They have mouths and speak not; they have eyes and see not. They have ears and hear not.” Sa bandang huli ng video, ipapakita ang mga salitang “Amici Matris Susannae” na pamagat siguro ng nasabing libro.

Malakas ang loob ko na ito ay fictional at kung tama nga ako, ito ang magiging ika-apat niyang fictional na libro.

Source: Bob Ong’s Multiply, BobOngBooks.com Forums Pic: Flickr

18 mga puna »

  1. Michael said

    hindi ko pa nga nababasa iyong Kapitan Sino, may bago na kaagad. Kung hindi ako nagkakamali, baka may kaugnayan iyan sa bible.

    Pahiram naman ng Kapitan Sino.. hehe :D

    • pengmolano said

      Baka nga… Hindi ko pa nga din nababasa iyon. Kahit nga iyong Macarthur, hindi pa din. Pahiram nga nung Macarthur, jeje.

      (Ayokong humiram sa instructor ko, marami kasing humihiram sa kanila, baka sabihin nila nakikigaya ako. He…)

    • Sana VIOLET nga yung magiging kulay nian….
      ASTIG IYON!!!!
      Tsaka……………ahm…….un lang….

      • pengmolano said

        Hi Jeniffer! Sensya na, ngayon ko lang naiapprove iyong comment mo. Inakala kasi ng WordPress na spam iyon at ngayon ko lang ulit nabisita iyong Admin Dashboard.

        Paborito mo ba iyong violet? Jeje. Salamat sa comment.

      • yanda said

        ang mga kaibigan ni mama susan!!!violet nga

    • shiela nicolas said

      ..meron aq!

  2. anne0829 said

    Kapitan Sino lang ang hindi ko pa nababasa yung anim na libro maganda pero sabi ng ilang nakabasa ng Kapitan Sino parang hindi daw masyadong maganda yun.

    hindi ko pa nabasa kaya no comment muna ako sa book na Kapitan Sino pero yung upcoming book mukhang maganda teaser pa lang hehehe

    thnx for sharing :-) napadaan lng…

    • pengmolano said

      Salamat sa pagdaan. Ako nga din eh. Nabasa na ata ng mga ibang kaklase ko pero wala pa naman ata akong narinig na comment nila tungkol doon.

      Sa akin kasi, ayoko nang bumili. Tatlong beses na ata akong nakabili ng “ABNKKBSNPLAKo!” at ngayon, wala nanaman sa akin (kinuha ng mga iba, hindi na naibalik). Bumili din ako ng “Stainless” at “Bakit” dati pero wala nanaman sa akin.

      Walang hiya, basta Bob Ong talaga, dapat huwag ipahiram.

  3. duking said

    must read para sa akin yung mac arthur.yung kapitan sino,magbibigay naman ng glimps ng 80’s at the same time,makikita natin na walang nagbabago.

    fan ako ni bob ong.quality yung mga libro nya.kasama ako sa mag-aabang.

    magandang araw!

    • pengmolano said

      Salamat sa iyong comment. Sige, kung nagkataon, babasahin ko iyong Macarthur at pati na din ang Kapitan Sino.

      Magandang araw din.

  4. nananabik na ako sa ika walong libro ni Bob Ong, salamat pala sa impormasyon!

    nabasa ko na din lahat ng libro niya. maganda yung Macarthur, para kang nanunuod ng tv sa ganda ng istorya, kaya lang hindi pwede ipalabas dahil umuulan ng mura.

    yung Kapitan sino naman, di ako masyadong nagandahan medyo korny eh, pero marami din magagandang litanya dun.

    =)

    • pengmolano said

      Salamat din sa iyong comment at sa iyong mga opinion. Nakatulong iyan sa akin.

      Umuulan ng mura? Wow, mas naging interested ako sa Macarthur ah… :D

  5. sana manalo ang VIOLET sa color votes…..
    :)

  6. michael said

    pahiram din ng kapitan sinu wala na akong pera pambili yan na lang di ko nababasa

  7. michael said

    the best sakin mga kwentong chalk ni bob ong napakamakatotohanan kasi ng mga nakasulat dun. parang nagbabalik tanaw lang sa nakaraan. basta gusto ko yun… tsaka si tong gusto ko rin ahahahaha sa kanya ko lang nalaman yung sundot kulangot pahkain pala yun hahha

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Mag-iwan ng puna